Miyerkules, Enero 7, 2015

Pambansang Museo ng Sining


Ang huli naming pinuntahan sa aming mini fieldtrip ay ang Pambansang Museo ng Sining. Strikto ang mga ngababantay sa museo. Pinagbawalan kaming mgadala ng bag, kumuha ng video, kumuha ng litrato na may flas, hawakan ang mga obra, at kahit ma-dampian lamang ng panyo o papel ay mahigit na pinagbabawal.

Pagpasok namin sa unang gallery  sumalubong sa amin ang tanyag na obra ni Juan Luna na ang Spolarium. Hindi namin inakala na makikita namin ito ng malapitan dahil nakikita lamang namin ito sa mga libro at sa internet. Manghangmangha kami sa napakagandang obrang ito dahil sa mga detalye nito at sa laki nito. Hindi namin inakala na napakalaki nito na kasing laki na ng malaking pader.

Marami pa kaming nakitang kamangha-manghang obra ng mga sikat na pintor. May mga paintings, sculptures, at mga carvings. Habang nagtitingin kami ay nag-isip kami ng iba't ibang mga pagpapakahulugan sa kanilang mga obra. Sa katunayan nga ay may isang obra na makikita roon ay naisip namin ay may UFO nalimilipad kagaya ng nakita sa pinta ni Leonardo Da Vinci na Mona Lisa. Karamihan sa mga pinta roon ay nagpapakita ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila.

 Marami kaming nakita na mga sculpture at painting ng iba't ibang kilalang personalidad kagaya ng ating mga presidente, atleta, artista, at arami pang iba.



Siyempre hindi mawawala ang pagkuha ng mga literato. Mapa seryoso man o hindi ang itsura ay todo kuha pa rin.



Dito naman ay rock n' roll ang tema ng aming litrato.


Naging masaya ang aming maikling lakbay-aral pero marami kaming natutunang bagay tungkol sa ating kultura at kasaysayan bilang isang Pilino. Sana ay patuloy pa ring tangkilikin ng mga Pilipino pati na rin ng mga banyagang turista ang ating makulay na kasaysayan at kultura. Sana rin ay patuloy pa natin itong punlarin. Sana ay bago natin tuklasin ang kultura ng ibang bansa ay huwag muna natin kalimutan ang sariling atin na karapat-dapat ipagmalaki sa buong mundo.Hindi lang tayo mattuwa at masisiyahan sa ating mga matutuklasan, meron din tayong aral na mapupulot at mga ala-alang hindi makukuha ninuman at dadalhin natin saanman at kailan man.

Pambansang Aklatan ng Pilipinas


Matapos ang aming masayang paglalakbay sa Luneta kung saan marami kaming natutunan na bago ay pumunta naman kami sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Sa kasamaang palad ay sarado ang Pambansang aklatan dahil ito ay kinukumpuni.

Pero pinayagan kaming pumasok sa maliit na bahagi ng aklatan at doon ay nakita namin ang iba't ibang librong nakapatong-patong sa isang tabi. Kumuha kami ng maraming litrato bilang magsilbing memorabilia sa aming mini fieldtrip.



Hindi man kami nakapasok ay naging masaya naman ang aming paglalakbay doon. Sana sa susunod ay makapasok na kami sa loob upang tumingin ng iba't ibang libro. Nakakalungkot lang isipin na kakaunti lamang ang puunta dito upang tumingin ng libro. Sana mas marami pa ang tumangkilik sa ating Pambansang Aklatan dahil ito ay tunay nga itong karapat-daat ipagmalaki.

Ang Liwasang Rizal (Rizal Park)


Unang pumunta kami ng aking pangkat sa Liwasang Rizal o mas kilala bilang Rizal Park. Una naming pinuntahan sa Luneta ay ang bantayog ng isa sa pinakmagigiting at ang kauna-unahan nating bayani na si Lapu-lapu. Tinayo ang bantayog na ito noon ika-27 ng Abril taong 2005 na gawa sa brass metal

Matapos naming puntahan ang bantayog ni Lapu-lapu ay pumunta naman kami sa Orchidarium. Dito ay nagsasagawa ang mga dalub-agham ng iba't ibang pag-aaral upang maparami ang mga orchids na matatagpuan sa ating bansa upang hindi natin kailangang mag-angkat ng ganitong uri ng bulaklak. Gumagawa din ang mga dalub- agham ng mga bagong uri o mga bagong breeds ng orchids.

Makikita rin sa loob ay mga palaruan kagaya ng mga seesaw at mga hanging bridge at maaari ka rin magpakain ng mga alaga nilang isda. Makikita mo rin sa loob ng Orchidarium ang proseso ng paglaki ng mga Orchids  sa bawat yugto.

Siyampre hindi rin kami magpapahuli sa mga palaruan kagaya nito. Hindi maiiwasan lumabas ang pagkabata namin at naglaru-laro muna bago ituloy ang aming mini fieldtrip.

Dito ay maaari kang magpakain ng mga alagang isda.

Nakakatakot ang umakyat sa hanging bridge na ito lalo na't nakikipagtakutan pa ang iba sa aming kagrupo at bigla umanong nagtatatalon.Natakot ako at baka biglang mapatid ito at kami ay mahulog!

Ito naman ang mga orchid na nasa proseso ng pagpropropagate o pagpaparami. Dito ay nilalagay ang mga orchids sa mga sterilized na bote.
Nagkaroon din kami ng katuwaan habang nag-iikot sa Orchidarium at ginaya ang sikat na litrato ng bandang The Beatles.


Ito ang aking mga kamag-aral na nakikipagpanayam sa isa sa tagangalaga ng orchidarium upang mas malaman kung paano nga ba nagsimula ang Orchidarium. Sabi niya na una silang nagsimula sa Nayong Pilipino at kakalipat lang nila sa Luneta. Sunod naman naming pinuntahan ang monumento ni Rizal. Ito ang pinakatanyag na bahagi ng liwasang ito at dinadayo ng mga turista katulad ng mga banyaga.