Ang huli naming pinuntahan sa aming mini fieldtrip ay ang Pambansang Museo ng Sining. Strikto ang mga ngababantay sa museo. Pinagbawalan kaming mgadala ng bag, kumuha ng video, kumuha ng litrato na may flas, hawakan ang mga obra, at kahit ma-dampian lamang ng panyo o papel ay mahigit na pinagbabawal.
Pagpasok namin sa unang gallery sumalubong sa amin ang tanyag na obra ni Juan Luna na ang Spolarium. Hindi namin inakala na makikita namin ito ng malapitan dahil nakikita lamang namin ito sa mga libro at sa internet. Manghangmangha kami sa napakagandang obrang ito dahil sa mga detalye nito at sa laki nito. Hindi namin inakala na napakalaki nito na kasing laki na ng malaking pader.
Marami kaming nakita na mga sculpture at painting ng iba't ibang kilalang personalidad kagaya ng ating mga presidente, atleta, artista, at arami pang iba.
Siyempre hindi mawawala ang pagkuha ng mga literato. Mapa seryoso man o hindi ang itsura ay todo kuha pa rin.
Dito naman ay rock n' roll ang tema ng aming litrato.
Naging masaya ang aming maikling lakbay-aral pero marami kaming natutunang bagay tungkol sa ating kultura at kasaysayan bilang isang Pilino. Sana ay patuloy pa ring tangkilikin ng mga Pilipino pati na rin ng mga banyagang turista ang ating makulay na kasaysayan at kultura. Sana rin ay patuloy pa natin itong punlarin. Sana ay bago natin tuklasin ang kultura ng ibang bansa ay huwag muna natin kalimutan ang sariling atin na karapat-dapat ipagmalaki sa buong mundo.Hindi lang tayo mattuwa at masisiyahan sa ating mga matutuklasan, meron din tayong aral na mapupulot at mga ala-alang hindi makukuha ninuman at dadalhin natin saanman at kailan man.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento