Matapos ang aming masayang paglalakbay sa Luneta kung saan marami kaming natutunan na bago ay pumunta naman kami sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Sa kasamaang palad ay sarado ang Pambansang aklatan dahil ito ay kinukumpuni.
Pero pinayagan kaming pumasok sa maliit na bahagi ng aklatan at doon ay nakita namin ang iba't ibang librong nakapatong-patong sa isang tabi. Kumuha kami ng maraming litrato bilang magsilbing memorabilia sa aming mini fieldtrip.
Hindi man kami nakapasok ay naging masaya naman ang aming paglalakbay doon. Sana sa susunod ay makapasok na kami sa loob upang tumingin ng iba't ibang libro. Nakakalungkot lang isipin na kakaunti lamang ang puunta dito upang tumingin ng libro. Sana mas marami pa ang tumangkilik sa ating Pambansang Aklatan dahil ito ay tunay nga itong karapat-daat ipagmalaki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento