Miyerkules, Enero 7, 2015

Ang Liwasang Rizal (Rizal Park)


Unang pumunta kami ng aking pangkat sa Liwasang Rizal o mas kilala bilang Rizal Park. Una naming pinuntahan sa Luneta ay ang bantayog ng isa sa pinakmagigiting at ang kauna-unahan nating bayani na si Lapu-lapu. Tinayo ang bantayog na ito noon ika-27 ng Abril taong 2005 na gawa sa brass metal

Matapos naming puntahan ang bantayog ni Lapu-lapu ay pumunta naman kami sa Orchidarium. Dito ay nagsasagawa ang mga dalub-agham ng iba't ibang pag-aaral upang maparami ang mga orchids na matatagpuan sa ating bansa upang hindi natin kailangang mag-angkat ng ganitong uri ng bulaklak. Gumagawa din ang mga dalub- agham ng mga bagong uri o mga bagong breeds ng orchids.

Makikita rin sa loob ay mga palaruan kagaya ng mga seesaw at mga hanging bridge at maaari ka rin magpakain ng mga alaga nilang isda. Makikita mo rin sa loob ng Orchidarium ang proseso ng paglaki ng mga Orchids  sa bawat yugto.

Siyampre hindi rin kami magpapahuli sa mga palaruan kagaya nito. Hindi maiiwasan lumabas ang pagkabata namin at naglaru-laro muna bago ituloy ang aming mini fieldtrip.

Dito ay maaari kang magpakain ng mga alagang isda.

Nakakatakot ang umakyat sa hanging bridge na ito lalo na't nakikipagtakutan pa ang iba sa aming kagrupo at bigla umanong nagtatatalon.Natakot ako at baka biglang mapatid ito at kami ay mahulog!

Ito naman ang mga orchid na nasa proseso ng pagpropropagate o pagpaparami. Dito ay nilalagay ang mga orchids sa mga sterilized na bote.
Nagkaroon din kami ng katuwaan habang nag-iikot sa Orchidarium at ginaya ang sikat na litrato ng bandang The Beatles.


Ito ang aking mga kamag-aral na nakikipagpanayam sa isa sa tagangalaga ng orchidarium upang mas malaman kung paano nga ba nagsimula ang Orchidarium. Sabi niya na una silang nagsimula sa Nayong Pilipino at kakalipat lang nila sa Luneta. Sunod naman naming pinuntahan ang monumento ni Rizal. Ito ang pinakatanyag na bahagi ng liwasang ito at dinadayo ng mga turista katulad ng mga banyaga.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento